IKAW NA BA? IKAW NA NGA…

0 Comments

Tags:
  • Love

    IKAW NA BA? IKAW NA NGA…

    Kay tagal ng naghintay

    Matagpuan ang buhay

    Kung saan-saan naghanap

    Tupdin lamang ang pangarap

     

    “Pangarap ka na lang ba?”

    ‘Yan ang aking pangamba

    Sana ito’y matupad na

    At hindi na tumagal pa

     

    At ikaw nga ay dumating

    Biruan ang unang dating

    Ngunit hindi inaasahang

    Mahulog sa pagmamahalan

     

    Sa simula ay natakot

    Baka puso ko’y kumirot

    Dahil baka ako’y iwan

    Nang hindi inaasahan

     

    Lumipas ang mga araw

    Pag-ibig mo’y dumadalaw

    Sa mga mensahe’y ramdam

    Pagkalinga’t katapatan

     

    Pagkakakilala’y lumalim

    Pinag-usapan plano natin

    Tanong sa sarili’y “Ikaw na ba?”

    Sagot ng puso’y “Ikaw na nga.”

     

    Pinangarap na makita ka

    Ngunit ako’y nag-aalala

    Baka ako’y layuan na

    Pero hindi naman sana

     

    Pagkakatao’y dumating

    Makita ka’t makapiling

    Ika-apat ng Oktubre

    Tayong dalawa’y malilibre

     

    Bawat oras ay binantayan

    Mula paggising sa higaan

    Hanggang sa byahe’y nagtatanong

    Tibok ng puso’y tumatalon

     

    At ang sandali’y heto na

    Ikaw ay abot-kamay na

    Agad ika’y nakilala

    Parang anghel ang hitsura

     

    Paglapit mo ika’y ilang

    Di mawari ang dahilan

    Marahil ika’y baguhan

    Kaya mayro’ng agam-agam

     

    Sinubukang ika’y aliwin

    Upang ang takot mo’y pawiin

    Sabi mo’y ayos ka naman

    Ngunit mukhang hindi naman

     

    Dahil ayaw kong sayangin

    Ikaw ngayo’y sa ‘king piling

    Magandang mukha’y pinagmasdan

    Habang tayo’y nagkwekwentuhan

     

    Ang labi mo’y sadyang maganda

    At may mapupungay na mata

    Katawa’y kahali-halina

    At kaakit-akit na porma

     

    Sa KFC ika’y yinaya

    Upang ituloy ang ligaya

    Habang sa daa’y naglalambing

    Sadyang masarap sa ‘yong piling

     

    Pagmamahal mo’y naramdaman

    Kabutiha’y di matawaran

    Ngiti mo’y di malimutan

    Pag-ibig sayo’y walang hanggan

     

    Doo’y lalo kang nakilala

    Ang lambing mo’y ipinakita

    Pagtawa mo’y nakakahawa

    Kay palad ko, ika’y nakita

     

    Ilang sandali ang lumipas

    Pag-ibig nati’y pinamalas

    Sa mata ng mga saksi

    Kaibigang Tab 23

     

    Pagkatapos ay nag-videoke

    Tradisyon na sa mga EB

    Paglalambinga’y mas lumalim

    Ikaw lamang ang mamahalin

     

    Theme song nati’y aking inawit

    Habang sa iyo’y nakakapit

    “Minsan Lang Kitang Iibigin”

    Hayaan mong ika’y mahalin

     

    Pagkatapos nito’y kumain

    Halo-halo ang order natin

    Sintamis ng pag-ibig natin

    Ayoko nang ito’y tapusin

     

    Tapos ay naglakad-lakad

    Ikaw pa ri’y hinahangad

    Picture ditto, picture doon

    Sa puso ko ika’y nando’n

     

    At sa wakas ika’y na-solo

    Tayo’y nag-usap ng totoo

    Dito’y lalo mong pina-ibig

    Ang tulad kong ikaw ang ibig

     

    Oras ng pag-uwi’y dumating

    Ika’y mawawala sa piling

    Mahirap mang ito’y tanggapin

    Ngunit kailangang harapin

     

    Magkasabay tayong umuwi

    Sa upua’y muling nagkatabi

    Huling lambinga’y iwinaksi

    Tunay sayo’y di nagsisisi

     

    At ikaw ay nagpaalam na

    Sa pagbaba’y tinatanaw ka

    “I Love You” na lang ang winika

    Tunay na minamahal kita

     

    Ligaya lang ang nadarama

    Ika’y sa puso’t ala-ala

    Wala ng hahanapin pa

    Ang buhay ko’y kumpleto na

     

    Salamat “Love” sa pagmamahal

    Ika’y nakilalang marangal

    Hinayaang ika’y mahalin

    Pangako ika’y iibigin

     

    Sana tayo’y tunay na magtagal

    Pagsubok ay hindi sasagabal

    Tanong ng iba’y “Ikaw na ba?”

    “Love”, alam mo, na “Ikaw na nga…”

    Poem Comments

    (0)

    Please login or register

    You must be logged in or register a new account in order to
    leave comments/feedback and rate this poem.

    Login or Register

    Poetry is not an expression of the party line. It's that time of night, lying in bed, thinking what you really think, making the private world public, that's what the poet does.

    Allen Ginsberg (1926-1997) U.S. poet.

    Spyke’s Poems (22)

    Title Comments
    Title Comments
    Sunrise 1
    Morning Thanks 0
    Life is... 0
    FAREWELL TO LOVE 1
    ACTS of Prayer 1
    MY LIFE’S ABCs 0
    Why? 0
    UMAASANG PAG-ASA 0
    TWILIGHT’S IMPRINT 0
    TRAINED TO LOVE 0
    THE SEARCH IS OVER 0
    SORRY 0
    PERFECT DREAM 0
    NIGHTS WITHOUT YOU 0
    Kiss the Rain 0
    IKAW NA BA? IKAW NA NGA… 0
    Trapped 1
    DREAMS DO COME TRUE 0
    Dream Lover 0
    BE MY JACOB… 0
    ANGEL IN DISGUISE 0
    A DECIDED LOVE 1