UMAASANG PAG-ASA

0 Comments

Tags:
  • Love

    UMAASANG PAG-ASA

    Lumipas ang ilang mga araw

    Umasang pag-ibig mo’y dumalaw

    Pakiramdam ko ako’y bigo

    Pag-ibig ba nati’y lalago?

     

    Bawat araw ay sinusubukan

    Na ika’y makausap man lamang

    Tanong sa sarili’y “Bakit gano’n?”

    Hindi inaadya ng panahon

     

    Ang hirap pala ng gan’to

    Ang magmahal ng totoo

    Pero kailangang kayanin

    Ng lumalim pag-ibig natin

     

    Awiting “Sa Aking Pag-iisa”

    Ika’y talagang naaalala

    Na ika’y mahagka’t mayakap pa

    At wala na ‘kong hihilingin pa

     

    Ako’y may umaasang pag-asa

    Makita ka’t mas makilala pa

    Makausap at mas mahalin

    Sa bawat araw na darating

     

    Sana ang hiling ko ay pagbigyan

    Ngayon lang nagmahal ng lubusan

    “Love”, pagmamahal mo’y iparamdam

    Ako sana’y ‘wag mong kalimutan

    Poem Comments

    (0)

    Please login or register

    You must be logged in or register a new account in order to
    leave comments/feedback and rate this poem.

    Login or Register

    Poetry is what is lost in translation.

    Robert Frost (1875-1963) American Poet.

    Spyke’s Poems (22)

    Title Comments
    Title Comments
    Sunrise 1
    Morning Thanks 0
    Life is... 0
    FAREWELL TO LOVE 1
    ACTS of Prayer 1
    MY LIFE’S ABCs 0
    Why? 0
    UMAASANG PAG-ASA 0
    TWILIGHT’S IMPRINT 0
    TRAINED TO LOVE 0
    THE SEARCH IS OVER 0
    SORRY 0
    PERFECT DREAM 0
    NIGHTS WITHOUT YOU 0
    Kiss the Rain 0
    IKAW NA BA? IKAW NA NGA… 0
    Trapped 1
    DREAMS DO COME TRUE 0
    Dream Lover 0
    BE MY JACOB… 0
    ANGEL IN DISGUISE 0
    A DECIDED LOVE 1