Pagod
Pagod
-
-
Matapos lumakad ng limang daang tapak
At pawis na di bumubutil kundi tumitipak
Dilig ang mga kasingitngitang naglilibag
Walang linaw ang pag-usad sa katauhang bilad
-
Kapaguran nga ba ang turing sa di matapos na pagsisipag?
Walang bahid ng kabayaran sa uhaw na pamamayagpag
Isang katauhang ang paguunawa ang tanging hangad
Sa nais ng hitik na ani pati buto sinasagad
-
Kaunting sandali, makapag isip at malibang
Kakaramput na balintataw ay lumibot sa pampang
Tumingin ng malayo, humiwalay kahit panandali lang!
Maitigil ang blankong pagiisip na nagsusumigaw
-
Galit sa pagusad ng mundong kay bagal
Na ang pagunalad ay tila sumasabay lamang
Walang ipong yaman kundi mga pagkakautang
Na sa pagiimpok hiling ay kabayaran
-
Ako ba'y maiingit sa kanila na tila walang tigil ang kayamanan
Na sa pag-ani ng salapi tila walang butaw
Hindi man maalayan, sapat na ang Iyong pagmamahal
Manatili ang lakas, manatiling may kalusugan
-
Kaunting tulog, kaunting katahimikan
Munting sandali apuhap ang kawalan
Titingala at dili magaalay ng dasal
Salamat po sa pahinga, Dakilang Maykapal.
-
-
3rd month ni yen
Please login or register
You must be logged in or register a new account in order to
Login or Registerleave comments/feedback and rate this poem.